Huwebes, Hulyo 23, 2015

Paghahanda Para sa Pagyanig ng Lupa

             Hindi sa lahat ng oras tayong lahat ay ligtas , lalo na sa mga kalamidad tulad ng Lindol, kaya dapat ay may paghahanda.Sa buwan ng hulyo  ngayong taon , inilunsad    ng ating pamahalaan ang .pagsasagawa ng Earthquake Drill sa lahat ng pampublikong establisyemento tulad ng mga paaralan.Noong Ika-23 ng Hulyo, nagsagawa ang aming paaralan --Mambugan National High School --ng Earthquake Drill.Ako ay isa sa mga myembro ng Red Cross Youth Club na tumulong sa kaayusan ng nasabing pangyayari.

              Ikinagulat ko nang biglang tumuno ang alarma habang ako ay naglalakad papunta sa aming silid-aralan para tawagin ang isa ko pang kaklase na tutulong sa amin.Walang ao ano pa'y kumaripas ako ng takbo papunta sa Istasyon ng First Aid .Pagkarating ko'y naguunahan na ang mga estudyante palabas ng paaralan.Kami ay sumunod sa kanila,habang ang ibang guro naman ay naiwan sa loob.
Nagkagulo ang aking mga kamag-aral.ang iba ay nagkumpulan,ang iba'y bumili sa mga tindahan.Sila ay pinagsabihan ng mga urong sumama sa amin.Naglakad kami pababa ng Munisipyo ng barangay.Dahil sa Ingay at Di pagsunod ng mga estudyante ay itiniil na ang Earthquake Drill.Nakita ko sa mga mukha ng ibang guro ang pakalungkot sa resulta ng pagsasagawa nito.Bumalik ang mga mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan gayundin kami.

                 Dapat ay lagi tayong handa sa lahat ng oras , dahil ang delubyo ay di pumpili ng oras . Mahalagang mayroon tayong alam gawin sa mga panahong nagkalindol.Dapat alam ito ng ating buong pamilya upang lahat tayo'y makalitas sa mga pagsubok dala ng kalikasan.

.

Martes, Hulyo 21, 2015

Tunay na Kaibigan

           Sa Panahon ngayon,mahirap na makakita ng totoong kaibigan.Maaring lahat tayo ay mayroong malapit na kaibigan,ngunit sa kabila nito,hindi pa rin tayo nagbibigay ng buong tiwala natin sa kanila sa kadahilanang baka siraan tayo nila sa ibang tao.Gayunpaman,patuloy pa rin tayong umaasa na mabibiyan tayo ng TUNAY NA KAIBIGAN.Narito ang aking opinyon sa ugali ng tunay na kaibigan.

                       
        Gusto ko sa isang kaibigan ay yung sasamahan ako sa lahat ng dala-dala kong problema,sasaluhin lahat ng bigat na nararamdaman ko sa buhay ko at tatanggapin ako ng buo.Isa rin sa kaibigan na pangarap ko ay buong magtitiwala sa lahat ng gagawin ko at susuportahan ako sa lahat ng aking mga kakayahan.Hanggang Ngayon,nanatili pa rin ang mga koleksyon ko ng mga laruan na tila nakakabit na sa buhay ko noong ako'y isang batang walang muwang,na pinahahalagan ko parin hanggang ngayon,samakatuwid, nais ko rin ng kaibigan na marunong magpahalaga sa isang bagay na nagbigay aral at saya sa nakaraan at sa kasalukuyan.Mayroong mga pagkakataon na bigla na lang akong sasabog sa galit dahil sa inis o pagkamuhi sa isang bagay dahil wala akong masabihan ng problema.Kinakailangan ko rin ng opinyon ng kapwa kaedad ko upang malaman ko ang dapat kong gawin.

         Sa lahat ng oras na nabubuhay tayo sa mundo,hindi lahat n taong kilala mo ay kilala mo na
nang lubos,maari pa rin tayong mabigo at magkamali sa paghusga ng kanilang tunay na ugali at pagkakakilanlan,kaya mabuti paring maging matiyaga ,masipag at matutong mabuhay at
Iangat ang sarili kahit na walang gumagabay at nagtuturo ng gagawin sa ating buhay
           
                         

Lunes, Hulyo 20, 2015

Sabado't Linggo : Unang Kabanata

               Tulad ng ibang araw , nagigising ako ng maaga para tumulong sa aking Nanay magbantay ng aming tindahan.Ang aking Tatay ay umalis para bumili ng aming tanghalian.Ang ate ko naman ay umalis para sa kanyang trabaho sa Botika.Inutusan ako ng aking Ina na bumili ng pandesal sa Panaderya.Sa kasamaang palad ay naubos na raw ito.Ikinalungkot ito ng aking Ina kaya kumain na lamang kami ng itlog.Sinabi ng Nanay ko na siya ay aalis din para mamili ng paninda sa Divisoria.Siya raw ay bibili n ma laruan at gamit pang-eskwela.Ngunit sabi ko'y intayin muna namin si Tatay para makapatanghalian siya.Dumating si Tatay at aad niyang pinakuluan ang baka upang ito ay lumambot.Inutusan ako ni Nanay na bumili ng gulay para sa Nilagang lulutuin.Pagkabalik ko sa aming bahay,Nagulat ako dahil kumukulo na ang sinaing.Wala pala si Nanay sa bahay,siya ay pumunta sa aming hardin upang madilig ng halaman.Inamin niya na nawala sa isipan niya ang sinaing at ang nilaga.ginawa ko na ang aking mga takdang aralin habang nagbabantay ng tindahan at nagiintay ng aming tanghalian.Kumain kami ng tanghalian at umalis si Nanay papuntang Divisoria.Habang ako'y nagbabantay ng tindahan habang naglalaro sa Cellphone.
Dumating si Nanay sa bahay.May dala siyang tatlong Siopao na pinagsaluhan namin.Pinalitan ako ng Nanay ko sa pagbabantay ng tindahan dahil inaantok ako at gusto ko ng matulog.Inayos ko ang aming kama at natulog.Pagkaising ko ay maingay na dahil nagvivideoke ang aking mga kapitbahay.
Binigyan kami ng kanilang handang spaghetti at cake.Ayaw ng Tatay ko ng spaghetti kaya ako lang ang kumain nito.Alas Otso na ng gabi kami nagsara ng tindahan.Kinain namin ang Nilutong Nilaga at ako ang naghugas ng pinggan.Natulog na ang aking mga magulang.Dumating na ang aking kapatid galing trabaho.halatang siya ay pagod at gutom kaya pinakain ko siya ng Nilaga.10:00 na ako at ang Ate ko natulog dahil nanuod kami ng pelikula sa CD.
               
               Kinabukasan, di ko inaasahang tatanghaliin na ko ng gising. Wala ang Nanay ko sa bahay. sabi ni Tatay ay nagdidilig daw siya ng halaman.Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan at ulo kaya kumuha akong gamot sa tindahan at ininom ito.Kahit masama ang pakiramdam ko,nagbantay pa rin ako ng aming tindahan para makatulong sa aking mga magulang.Habang abala si Tatay sa paggawa ng tinapay,inayos ko ang tinda naming grocery na bagong dating mula sa pamilihan.Para sa aming tanghalian, nagluto si Nanay ng Kaldereta na pagkasarap-sarap.Pagdating ng hapon ay ginawa ko na ang aking mga di na tapos na takdang-aralin.Nakaramdam ako ng antok kaya natulog ako.Pagkagising ko ay Madilim na.Sinara narin ang aming tindahan at nakapagluto na si Nanay ng aming hapunan.Dumating si Ate at sumabay kumain sa amin.Ginamit ko ang aming computer upang
gawin ang blog sa Filipino at ako ay natulog.Nagdasal para magpasalamat sa panginoon sa buhay na kanyang ibinigay.

                 

Linggo, Hulyo 19, 2015

Alamat : Juan Tamad

        Si Juan ay isang batang makupad kumilos o ayaw gumalaw para sa kanyang ninanais gawin.Kaya naman,siya ay binansagang JUAN TAMAD.
                 
                Si Juan ay inutusan ng kanyang Ina na magbenta ng mga puto sa kanilang bayan.Dahil nakadama siya ng init,tumigil  muna sya sa paglalakad at umupo sa tabi.May nakita syang  mga palaka na tila nagpapaawa para makakain.Naisip nya na gusto ng mga ito ang kanyang mga puto.
Pinagalitan siya ng kanyang nanay dahil sa kanyang nagawa.Sumunod naman ay pinagbenta siya 
ng mga palayok.Sa pagakakataong ito,muling umiral ang kanyang pagiging tamad.Unti-unti ay nakararamdam siya ng antok.Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabanggaan sila ni Maria-isang batang kabaliktaran ang ugali ni Juan.Masipag siya at maaasahan.Nabasag ang mga dalang palayok ni Juan.Upang hindi mapagalitan ng kanyang,Nakaisip siya ng paraan.Kanyang dinikdik ang mga palayok upang magmukha itong gamot para sa pangangati.Nang siya'y umuwi sa kanilang tahanan,Ikinagalit ng kanyang Ina ang kanyang ginawa sa mga palayok.Sumunod na araw ay pinabili naman siya ng asin.Dahil sa kagustuhang lumangoy , pagtapos bumili ng asin ay dumiretso na si Juan sa dagat.Upang hindi malimutan at maiwanan,ibinaon ni Juan ang mga asin sa buhangin.Pagkatapos noo'y ikinagulat niya na ito'y natunaw dahil sa agos ng tubig sa dagat.Sa kanyang pauwi,nagkunwari siyang nagakala naninakaw ang asin ng ibang tao upang di lumala ang galit ng kanyang ina sa kanya.Sumunod na araw,liligawan ni Juan si Maria ngunit bago ito pinabibili siya ng kanyang Ina n mga alimango.Dahil sa katamaran,pinauwi na lamang ni Juan ang mga alimango papunta sa kanilang bahay.nakalimutan niya na rin ang panliligaw kay Maria.Sa kanyang paguwi,di niya abot akalaing di nakarating ang mga alimango na kanyang inutusang pumunta sa kanilang bahay.Naisip niya na baka'y napabarkada at nagliwaliw ang mga ito.Sa kabila ng kanyang sobrang katamaran,ipinagluto nya parin ang kanyang Ina ng pagkain nito dahil sa pagmamahal niya sa kanyang Ina.