Lunes, Hulyo 20, 2015

Sabado't Linggo : Unang Kabanata

               Tulad ng ibang araw , nagigising ako ng maaga para tumulong sa aking Nanay magbantay ng aming tindahan.Ang aking Tatay ay umalis para bumili ng aming tanghalian.Ang ate ko naman ay umalis para sa kanyang trabaho sa Botika.Inutusan ako ng aking Ina na bumili ng pandesal sa Panaderya.Sa kasamaang palad ay naubos na raw ito.Ikinalungkot ito ng aking Ina kaya kumain na lamang kami ng itlog.Sinabi ng Nanay ko na siya ay aalis din para mamili ng paninda sa Divisoria.Siya raw ay bibili n ma laruan at gamit pang-eskwela.Ngunit sabi ko'y intayin muna namin si Tatay para makapatanghalian siya.Dumating si Tatay at aad niyang pinakuluan ang baka upang ito ay lumambot.Inutusan ako ni Nanay na bumili ng gulay para sa Nilagang lulutuin.Pagkabalik ko sa aming bahay,Nagulat ako dahil kumukulo na ang sinaing.Wala pala si Nanay sa bahay,siya ay pumunta sa aming hardin upang madilig ng halaman.Inamin niya na nawala sa isipan niya ang sinaing at ang nilaga.ginawa ko na ang aking mga takdang aralin habang nagbabantay ng tindahan at nagiintay ng aming tanghalian.Kumain kami ng tanghalian at umalis si Nanay papuntang Divisoria.Habang ako'y nagbabantay ng tindahan habang naglalaro sa Cellphone.
Dumating si Nanay sa bahay.May dala siyang tatlong Siopao na pinagsaluhan namin.Pinalitan ako ng Nanay ko sa pagbabantay ng tindahan dahil inaantok ako at gusto ko ng matulog.Inayos ko ang aming kama at natulog.Pagkaising ko ay maingay na dahil nagvivideoke ang aking mga kapitbahay.
Binigyan kami ng kanilang handang spaghetti at cake.Ayaw ng Tatay ko ng spaghetti kaya ako lang ang kumain nito.Alas Otso na ng gabi kami nagsara ng tindahan.Kinain namin ang Nilutong Nilaga at ako ang naghugas ng pinggan.Natulog na ang aking mga magulang.Dumating na ang aking kapatid galing trabaho.halatang siya ay pagod at gutom kaya pinakain ko siya ng Nilaga.10:00 na ako at ang Ate ko natulog dahil nanuod kami ng pelikula sa CD.
               
               Kinabukasan, di ko inaasahang tatanghaliin na ko ng gising. Wala ang Nanay ko sa bahay. sabi ni Tatay ay nagdidilig daw siya ng halaman.Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan at ulo kaya kumuha akong gamot sa tindahan at ininom ito.Kahit masama ang pakiramdam ko,nagbantay pa rin ako ng aming tindahan para makatulong sa aking mga magulang.Habang abala si Tatay sa paggawa ng tinapay,inayos ko ang tinda naming grocery na bagong dating mula sa pamilihan.Para sa aming tanghalian, nagluto si Nanay ng Kaldereta na pagkasarap-sarap.Pagdating ng hapon ay ginawa ko na ang aking mga di na tapos na takdang-aralin.Nakaramdam ako ng antok kaya natulog ako.Pagkagising ko ay Madilim na.Sinara narin ang aming tindahan at nakapagluto na si Nanay ng aming hapunan.Dumating si Ate at sumabay kumain sa amin.Ginamit ko ang aming computer upang
gawin ang blog sa Filipino at ako ay natulog.Nagdasal para magpasalamat sa panginoon sa buhay na kanyang ibinigay.

                 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento