Kaba, Lungkot, Saya. Mga bagay na naramdaman ko sa araw na dumating ang NCAE. Ito ay isang pagsusulit upang malaman ang kurso na nararapat o bagay sa amin.
Una, Ako ay kinabahan dahil hindi ko kilala ang aking makakasama sa silid-aralan na aking papasukan para sa araw na iyon, di ko alam kung sino ang aking kakausapin. Nakadama rin ako ng kalungkutan, dahil wala ako akong makausap, dahil di ko kasama ang aking mga kaklase sapagkat magkakahiwalay kami ng silid-aralang papasukan. Ngunit ako naman ayu natuwa dahil malalaman ko ang nababagay sa aking kurso. Makikita sa aking mga kasama sa silid-aralan ang hirap ng pagsusulit. Ikinagulat ko naman ang ginawa ng iba, sila ay tapos na agad samantalang nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagsusulit!. Sabi ko sa isip ko'y "Alam na.Nanghula 'tong mga ito.". Natatawa man ako sa kanilang ginawa pinagpatuloy ko parin ang pagsusulit. Dumating ang oras na kami ay pwedeng kumain at lumabas sa silid-aralan. Sa aking paglabas nakita at nakausap ko ang aking mga kaklase. Kinwento nila sa akin ang kanilang naranasan. Tila parehas din ang mga pangyayari sa kanilang silid-aralin tulad ng akin. Kami ay sabay-sabay na kumain at nagtawanan. Ngunit dumating na ang oras para kami ay bumalik sa aming silid-aralan. Ako ay ginanahang magsagot at lalong intindihin ang mga tanong sa pagsusulit kaya di ko inantala ang hirap nito. Hanggang dumating na ang oras ng Uwian. Nagkita kami muli ng aking mga kaklase. Napagkasunduan naming pumunta at kumain sa 7/11 na malapit sa paaralan. Tulad ng ibang araw na kami ay magkakasama, umuwi kaming lahat na may ngiti sa aming mga mukha at pagsabik sa resulta ng NCAE.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento