Lahat tayo ay may pakiramdam , nasisiyahan , nalulungkot , nagugulat at nasasaktan. Sabi nga nila ay "Tao lang ko, Nagkakamali rin.".Nais nating malaman ng ibang tao ang ating nararamdaman, kaya naman ginagamit natin ang kalayaan at karapatan nating Magpahayag ng ating saloobin ,opinyon ,at damdamin.Pero anu nga ba ang mga hakbang sa pagpapahayag ng damdamin? Paano nga ba natin malalaman kung nasa katwiran at tama ang ating pahayag?
Para sa atin, madali lang sabihin ang ating nais sa ating pamilya, kaibigan, at kapwa. Ang mensahe nating gustong iparating sa kanila ay kanilang naiintindihan at nalalaman. Ngunit minsa'y parang mali at di-pormal ang pagpapahayag ng ating saloobin sa ating kapwa, tila mayroon tayong nakaligtaan o nakalimutang bagay o pahayag na lubos na nakaapekto sa damdamin ng ating kapwa. Sa mga pagkakataong ito, dapat nating malaman ang mga proseso o hakbang na dapat nating paghandaan at tandaan sa pagpapahayag ng ating nararamdaman. Una, dapat nating malaman ang mga posibleng mangyari kung tayo ay may sasabihin sa tao. Kung paano ba niya ito papakahulugan at tatanggapin. Ating siguraduhing 'di niya ito ituturing na masamang mungkahi ang ating gustong iparating. Pangalawa, Alamin at Suriin ang sitwasyon kung dapat niya ba talaga malaman ang nararamdaman mo sa kanya. Minsan kasi ay sinasabi natin ang ating saloobin ngunit hindi naman pala para sa tao ang gustong mong sabihin, Sa madaling salita ay di ito katanggap-tanggap na malaman ng taong iyon. Ikatlo para sa mga umiibig at nais ibigin, Ang pagpapahayag ng ating nararamdamang kilig o paghanga ay 'di tulad ng pagmamahal. Hindi dahil may nakita tayong maganda o kaakit-akit sa isang tao na talagang natipuhan at naibigan natin ay matatawag na nating pagmamahal. Dahil para sa akin, Tayo ay mga bata pa, Marami pa tayong dapat matutunan at mararanasan sa buhay. Ang Pag-ibig ay di kailanman tayo iiwan. Di man tayo makahanap ng ating kasintahang makakasama at magiging parte ng buhay, Nariyan ang ating pamilya at handa tayong gabayan at mahalin nang lubos, ang pagmamahal na ito ay Unconditional Love kung tawagin sa wikang Ingles. Maari nating ipahayag ang ating paghanga sa tao sa takdang panahon. Ngunit para sa ating kasalukuyan ay ating gawin silang inspirasyon upang makamit ang mga pangarap at ang mga bituin sa gabing di titigil.
Komunikasyon, paraan ng pakikipagkapwa tao at ginagamit para magpahayag ng damdamin. Maituturing ang pagpapahayag ng damdamin ay isang malaking bagay na makakaapekto sa buhay ng tao. Ating pakatandaan na ang Pagpapahayag ng damdamin ay may kaakibat na responsibilad, malasakit , at patuloy na paggalang sa estado ng buhay ng ating kapwa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento