Nariyan na ang lahat at naghihintay para sa Pangalawang Markahan. Tulad ng iba, Masaya ako na pasado ang aking mga gradong nakuha sa unang markahan. Pinangako ko sa sarili ko na pagbubutihin ko pa ang pag-aaral. Nais ko pang lubos na matuto ngayong taon. Gusto kong lumalim ang akin pag-iisip at pag-intindi sa mga bagay-bagay. Inaasahan ko na ako ay matututo ng lubos ngayong Pangalawang Markahan. Inaasahan ko rin na di bumaba ang aking mga grado. Patuloy akong makikini sa mga payo ng aking mga kamag-aral at uro upang lubos na maintindihan at matuto sa aming mga Aralin. Inaasahan ko rin na makakadikubre ako ng mga bagay na ngayon ko lang malalaman at mapag-aaralan. Sana ay lalo pa akong sumipag at magpatuloy sa aking hangaring makapagtapos ng pag-aaral.
Linggo, Agosto 30, 2015
Sabado, Agosto 29, 2015
Karanasan : Unang Markahan ng Asignaturang Filipino
Sa Unang Markahan ng aming Asignaturang Filipino, Masasabi ko na ako ay nabusog sa mga kaalaman tungkol sa ating Wika. Dahil ako'y nag-aral at nagsikap , ako ay nabigyan ng mataas na Marka. Syempre , ito ay aking ikinatuwa dahil nagbunga ang aking pinagsikapan. Tinanim ko sa aking isip na pagbubutihin ko pa sa mga susunod na Markahan.
Naaalala ko pa noong unang araw namin sa Asignaturang Filipino, ako ay kinakabahan sa mga bagay na mangyayari ngayong taon. Sa kabilang banda'y masaya ako na marami na naman akong matutunan.Sa Paglipas ng mga araw at linggo, dumarami ang aking mga natutunan ngunit mayroon akong lubos na pinagsisihan, ang di paggawa ng ilang takdang aralin. Hindi dahil ayaw kong gumawa nito, lagi ko lang talagang nakakalimutan ang mga takdang aralin namin. Kaya naman sa susunod na Markahan, ako ay lubos na magsisikap at tatandaan ang aking mga aralin. Naging maganda ang aking nakuhang marka sa Markahan na ito. Kaya naman, ako'y magsisikap pa na pataasin ito.
Huwebes, Agosto 27, 2015
Pagpapahayag ng Damdamin sa TAMANG PARAAN
Lahat tayo ay may pakiramdam , nasisiyahan , nalulungkot , nagugulat at nasasaktan. Sabi nga nila ay "Tao lang ko, Nagkakamali rin.".Nais nating malaman ng ibang tao ang ating nararamdaman, kaya naman ginagamit natin ang kalayaan at karapatan nating Magpahayag ng ating saloobin ,opinyon ,at damdamin.Pero anu nga ba ang mga hakbang sa pagpapahayag ng damdamin? Paano nga ba natin malalaman kung nasa katwiran at tama ang ating pahayag?
Para sa atin, madali lang sabihin ang ating nais sa ating pamilya, kaibigan, at kapwa. Ang mensahe nating gustong iparating sa kanila ay kanilang naiintindihan at nalalaman. Ngunit minsa'y parang mali at di-pormal ang pagpapahayag ng ating saloobin sa ating kapwa, tila mayroon tayong nakaligtaan o nakalimutang bagay o pahayag na lubos na nakaapekto sa damdamin ng ating kapwa. Sa mga pagkakataong ito, dapat nating malaman ang mga proseso o hakbang na dapat nating paghandaan at tandaan sa pagpapahayag ng ating nararamdaman. Una, dapat nating malaman ang mga posibleng mangyari kung tayo ay may sasabihin sa tao. Kung paano ba niya ito papakahulugan at tatanggapin. Ating siguraduhing 'di niya ito ituturing na masamang mungkahi ang ating gustong iparating. Pangalawa, Alamin at Suriin ang sitwasyon kung dapat niya ba talaga malaman ang nararamdaman mo sa kanya. Minsan kasi ay sinasabi natin ang ating saloobin ngunit hindi naman pala para sa tao ang gustong mong sabihin, Sa madaling salita ay di ito katanggap-tanggap na malaman ng taong iyon. Ikatlo para sa mga umiibig at nais ibigin, Ang pagpapahayag ng ating nararamdamang kilig o paghanga ay 'di tulad ng pagmamahal. Hindi dahil may nakita tayong maganda o kaakit-akit sa isang tao na talagang natipuhan at naibigan natin ay matatawag na nating pagmamahal. Dahil para sa akin, Tayo ay mga bata pa, Marami pa tayong dapat matutunan at mararanasan sa buhay. Ang Pag-ibig ay di kailanman tayo iiwan. Di man tayo makahanap ng ating kasintahang makakasama at magiging parte ng buhay, Nariyan ang ating pamilya at handa tayong gabayan at mahalin nang lubos, ang pagmamahal na ito ay Unconditional Love kung tawagin sa wikang Ingles. Maari nating ipahayag ang ating paghanga sa tao sa takdang panahon. Ngunit para sa ating kasalukuyan ay ating gawin silang inspirasyon upang makamit ang mga pangarap at ang mga bituin sa gabing di titigil.
Komunikasyon, paraan ng pakikipagkapwa tao at ginagamit para magpahayag ng damdamin. Maituturing ang pagpapahayag ng damdamin ay isang malaking bagay na makakaapekto sa buhay ng tao. Ating pakatandaan na ang Pagpapahayag ng damdamin ay may kaakibat na responsibilad, malasakit , at patuloy na paggalang sa estado ng buhay ng ating kapwa.

Miyerkules, Agosto 26, 2015
Karanasan sa NCAE
Kaba, Lungkot, Saya. Mga bagay na naramdaman ko sa araw na dumating ang NCAE. Ito ay isang pagsusulit upang malaman ang kurso na nararapat o bagay sa amin.
Una, Ako ay kinabahan dahil hindi ko kilala ang aking makakasama sa silid-aralan na aking papasukan para sa araw na iyon, di ko alam kung sino ang aking kakausapin. Nakadama rin ako ng kalungkutan, dahil wala ako akong makausap, dahil di ko kasama ang aking mga kaklase sapagkat magkakahiwalay kami ng silid-aralang papasukan. Ngunit ako naman ayu natuwa dahil malalaman ko ang nababagay sa aking kurso. Makikita sa aking mga kasama sa silid-aralan ang hirap ng pagsusulit. Ikinagulat ko naman ang ginawa ng iba, sila ay tapos na agad samantalang nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagsusulit!. Sabi ko sa isip ko'y "Alam na.Nanghula 'tong mga ito.". Natatawa man ako sa kanilang ginawa pinagpatuloy ko parin ang pagsusulit. Dumating ang oras na kami ay pwedeng kumain at lumabas sa silid-aralan. Sa aking paglabas nakita at nakausap ko ang aking mga kaklase. Kinwento nila sa akin ang kanilang naranasan. Tila parehas din ang mga pangyayari sa kanilang silid-aralin tulad ng akin. Kami ay sabay-sabay na kumain at nagtawanan. Ngunit dumating na ang oras para kami ay bumalik sa aming silid-aralan. Ako ay ginanahang magsagot at lalong intindihin ang mga tanong sa pagsusulit kaya di ko inantala ang hirap nito. Hanggang dumating na ang oras ng Uwian. Nagkita kami muli ng aking mga kaklase. Napagkasunduan naming pumunta at kumain sa 7/11 na malapit sa paaralan. Tulad ng ibang araw na kami ay magkakasama, umuwi kaming lahat na may ngiti sa aming mga mukha at pagsabik sa resulta ng NCAE.

Lunes, Agosto 24, 2015
Kantang Di Kasawa-sawang Pakinggan
Para sa taong katulad ko na mahilig kumanta at mahilig makinig ng mga kanta, mahirap humiwalay kahit 'sang sandali sa aking cellphone at headset.Kung Bakit?...dahil nandito ang aking mga paboritong musika na talaga namang nakapagpaparamdam sakin ng saya sa kabila ng mga dagok sa aking buhay.Isa na sa mga kantang di ako magsasawang kantahin at pakinggan ay ang Photograph ni Ed Sheeran.
Ang kantang iyon ay tungkol sa pag-alala sa lahat ng pangyayari sa buhay ng tao.Sa kanta ko naramdaman at naalala ang lahat ng masasaya at di gaano kasasayang nangyari sa aking buhay.Sa linya ng kanta na "Loving can hurt, Loving hurt sometimes. But it's the only thing that makes us feel alive." masasabing ang pag-ibig lamang ang makapagpapasaya at makapagbibigay sigla sa buhay ng tao.Kahit na minsan ito'y nakakasakit na at tila'y pinapatay ang ating puso nang paunti-unti, di tayo nagsasawang umibig at pahalagahan ang isang bagay dahil sa pagmamahal.Naaalala ko ang Pag-ibig sa ng aking mga Magulang sa akin.Kahit sobrang pagod ay kinakaya nila ang lahat ng makakaya upang kami ay pakainin at pag-aralin.Sa linya naman ng kanta na "We keep this love in a photograph, We made these memories for ourselves."Were Our Eyes our eyes are closin',Hearts will never broken,Times forever frozen still." nailalarawan na sa mga litrato ay 'di kailanman mabubura ang mga alaala natin kasama ang mga mahal sa buhay.Sa maliit na bagay na nakakatulong ang mga litrato ay nakapagpapasaya na ng mga tao tulad ng ating mga dakilang OFW na nagtatrabaho para sa pamilya.
Ang kanta ay isang uri ng sining na nakakatulong para pagaanin ang damdamin ng mga nakikinig nito.Sa simpleng pagbibigay sigla ng mga mang-aawit sa bawat tono at liriko ng kanta ay nakakapagpapasaya ng sandamakmak na tao.
LIRIKO NG KANTANG PHOTOGRAPH

UPANG MAPAKINGGAN ANG PABORITO KONG KANTA,PINDUTIN ITO
LIRIKO NG KANTANG PHOTOGRAPH
"Photograph"
Loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard
You know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive
We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
Times forever frozen still
So you can keep me
Inside the pocket
Of your ripped jeans
Holdin' me closer
'Til our eyes meet
You won't ever be alone
Wait for me to come home
Loving can heal
Loving can mend your soul
And it's the only thing that I know (know)
I swear it will get easier
Remember that with every piece of ya
And it's the only thing we take with us when we die
We keep this love in this photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Our hearts were never broken
Times forever frozen still
So you can keep me
Inside the pocket
Of your ripped jeans
Holdin' me closer
'Til our eyes meet
You won't ever be alone
And if you hurt me
That's OK, baby, only words bleed
Inside these pages you just hold me
And I won't ever let you go
Wait for me to come home [4x]
Oh you can fit me
Inside the necklace you got when you were 16
Next to your heartbeat
Where I should be
Keep it deep within your soul
And if you hurt me
Well, that's OK, baby, only words bleed
Inside these pages you just hold me
And I won't ever let you go
When I'm away
I will remember how you kissed me
Under the lamppost
Back on 6th street
Hearing you whisper through the phone,
"Wait for me to come home."
Huwebes, Hulyo 23, 2015
Paghahanda Para sa Pagyanig ng Lupa
Hindi sa lahat ng oras tayong lahat ay ligtas , lalo na sa mga kalamidad tulad ng Lindol, kaya dapat ay may paghahanda.Sa buwan ng hulyo ngayong taon , inilunsad ng ating pamahalaan ang .pagsasagawa ng Earthquake Drill sa lahat ng pampublikong establisyemento tulad ng mga paaralan.Noong Ika-23 ng Hulyo, nagsagawa ang aming paaralan --Mambugan National High School --ng Earthquake Drill.Ako ay isa sa mga myembro ng Red Cross Youth Club na tumulong sa kaayusan ng nasabing pangyayari.
Ikinagulat ko nang biglang tumuno ang alarma habang ako ay naglalakad papunta sa aming silid-aralan para tawagin ang isa ko pang kaklase na tutulong sa amin.Walang ao ano pa'y kumaripas ako ng takbo papunta sa Istasyon ng First Aid .Pagkarating ko'y naguunahan na ang mga estudyante palabas ng paaralan.Kami ay sumunod sa kanila,habang ang ibang guro naman ay naiwan sa loob.
Nagkagulo ang aking mga kamag-aral.ang iba ay nagkumpulan,ang iba'y bumili sa mga tindahan.Sila ay pinagsabihan ng mga urong sumama sa amin.Naglakad kami pababa ng Munisipyo ng barangay.Dahil sa Ingay at Di pagsunod ng mga estudyante ay itiniil na ang Earthquake Drill.Nakita ko sa mga mukha ng ibang guro ang pakalungkot sa resulta ng pagsasagawa nito.Bumalik ang mga mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan gayundin kami.
Dapat ay lagi tayong handa sa lahat ng oras , dahil ang delubyo ay di pumpili ng oras . Mahalagang mayroon tayong alam gawin sa mga panahong nagkalindol.Dapat alam ito ng ating buong pamilya upang lahat tayo'y makalitas sa mga pagsubok dala ng kalikasan.
.
Mga etiketa:
Earthquake Drill Paghahanda,
Lindol
Martes, Hulyo 21, 2015
Tunay na Kaibigan

Gusto ko sa isang kaibigan ay yung sasamahan ako sa lahat ng dala-dala kong problema,sasaluhin lahat ng bigat na nararamdaman ko sa buhay ko at tatanggapin ako ng buo.Isa rin sa kaibigan na pangarap ko ay buong magtitiwala sa lahat ng gagawin ko at susuportahan ako sa lahat ng aking mga kakayahan.Hanggang Ngayon,nanatili pa rin ang mga koleksyon ko ng mga laruan na tila nakakabit na sa buhay ko noong ako'y isang batang walang muwang,na pinahahalagan ko parin hanggang ngayon,samakatuwid, nais ko rin ng kaibigan na marunong magpahalaga sa isang bagay na nagbigay aral at saya sa nakaraan at sa kasalukuyan.Mayroong mga pagkakataon na bigla na lang akong sasabog sa galit dahil sa inis o pagkamuhi sa isang bagay dahil wala akong masabihan ng problema.Kinakailangan ko rin ng opinyon ng kapwa kaedad ko upang malaman ko ang dapat kong gawin.
Sa lahat ng oras na nabubuhay tayo sa mundo,hindi lahat n taong kilala mo ay kilala mo na
nang lubos,maari pa rin tayong mabigo at magkamali sa paghusga ng kanilang tunay na ugali at pagkakakilanlan,kaya mabuti paring maging matiyaga ,masipag at matutong mabuhay at
Iangat ang sarili kahit na walang gumagabay at nagtuturo ng gagawin sa ating buhay

Lunes, Hulyo 20, 2015
Sabado't Linggo : Unang Kabanata
Tulad ng ibang araw , nagigising ako ng maaga para tumulong sa aking Nanay magbantay ng aming tindahan.Ang aking Tatay ay umalis para bumili ng aming tanghalian.Ang ate ko naman ay umalis para sa kanyang trabaho sa Botika.Inutusan ako ng aking Ina na bumili ng pandesal sa Panaderya.Sa kasamaang palad ay naubos na raw ito.Ikinalungkot ito ng aking Ina kaya kumain na lamang kami ng itlog.Sinabi ng Nanay ko na siya ay aalis din para mamili ng paninda sa Divisoria.Siya raw ay bibili n ma laruan at gamit pang-eskwela.Ngunit sabi ko'y intayin muna namin si Tatay para makapatanghalian siya.Dumating si Tatay at aad niyang pinakuluan ang baka upang ito ay lumambot.Inutusan ako ni Nanay na bumili ng gulay para sa Nilagang lulutuin.Pagkabalik ko sa aming bahay,Nagulat ako dahil kumukulo na ang sinaing.Wala pala si Nanay sa bahay,siya ay pumunta sa aming hardin upang madilig ng halaman.Inamin niya na nawala sa isipan niya ang sinaing at ang nilaga.ginawa ko na ang aking mga takdang aralin habang nagbabantay ng tindahan at nagiintay ng aming tanghalian.Kumain kami ng tanghalian at umalis si Nanay papuntang Divisoria.Habang ako'y nagbabantay ng tindahan habang naglalaro sa Cellphone.
Dumating si Nanay sa bahay.May dala siyang tatlong Siopao na pinagsaluhan namin.Pinalitan ako ng Nanay ko sa pagbabantay ng tindahan dahil inaantok ako at gusto ko ng matulog.Inayos ko ang aming kama at natulog.Pagkaising ko ay maingay na dahil nagvivideoke ang aking mga kapitbahay.
Binigyan kami ng kanilang handang spaghetti at cake.Ayaw ng Tatay ko ng spaghetti kaya ako lang ang kumain nito.Alas Otso na ng gabi kami nagsara ng tindahan.Kinain namin ang Nilutong Nilaga at ako ang naghugas ng pinggan.Natulog na ang aking mga magulang.Dumating na ang aking kapatid galing trabaho.halatang siya ay pagod at gutom kaya pinakain ko siya ng Nilaga.10:00 na ako at ang Ate ko natulog dahil nanuod kami ng pelikula sa CD.
Kinabukasan, di ko inaasahang tatanghaliin na ko ng gising. Wala ang Nanay ko sa bahay. sabi ni Tatay ay nagdidilig daw siya ng halaman.Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan at ulo kaya kumuha akong gamot sa tindahan at ininom ito.Kahit masama ang pakiramdam ko,nagbantay pa rin ako ng aming tindahan para makatulong sa aking mga magulang.Habang abala si Tatay sa paggawa ng tinapay,inayos ko ang tinda naming grocery na bagong dating mula sa pamilihan.Para sa aming tanghalian, nagluto si Nanay ng Kaldereta na pagkasarap-sarap.Pagdating ng hapon ay ginawa ko na ang aking mga di na tapos na takdang-aralin.Nakaramdam ako ng antok kaya natulog ako.Pagkagising ko ay Madilim na.Sinara narin ang aming tindahan at nakapagluto na si Nanay ng aming hapunan.Dumating si Ate at sumabay kumain sa amin.Ginamit ko ang aming computer upang
gawin ang blog sa Filipino at ako ay natulog.Nagdasal para magpasalamat sa panginoon sa buhay na kanyang ibinigay.

Linggo, Hulyo 19, 2015
Alamat : Juan Tamad
Si Juan ay isang batang makupad kumilos o ayaw gumalaw para sa kanyang ninanais gawin.Kaya naman,siya ay binansagang JUAN TAMAD.
Si Juan ay inutusan ng kanyang Ina na magbenta ng mga puto sa kanilang bayan.Dahil nakadama siya ng init,tumigil muna sya sa paglalakad at umupo sa tabi.May nakita syang mga palaka na tila nagpapaawa para makakain.Naisip nya na gusto ng mga ito ang kanyang mga puto.
Pinagalitan siya ng kanyang nanay dahil sa kanyang nagawa.Sumunod naman ay pinagbenta siya
ng mga palayok.Sa pagakakataong ito,muling umiral ang kanyang pagiging tamad.Unti-unti ay nakararamdam siya ng antok.Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabanggaan sila ni Maria-isang batang kabaliktaran ang ugali ni Juan.Masipag siya at maaasahan.Nabasag ang mga dalang palayok ni Juan.Upang hindi mapagalitan ng kanyang,Nakaisip siya ng paraan.Kanyang dinikdik ang mga palayok upang magmukha itong gamot para sa pangangati.Nang siya'y umuwi sa kanilang tahanan,Ikinagalit ng kanyang Ina ang kanyang ginawa sa mga palayok.Sumunod na araw ay pinabili naman siya ng asin.Dahil sa kagustuhang lumangoy , pagtapos bumili ng asin ay dumiretso na si Juan sa dagat.Upang hindi malimutan at maiwanan,ibinaon ni Juan ang mga asin sa buhangin.Pagkatapos noo'y ikinagulat niya na ito'y natunaw dahil sa agos ng tubig sa dagat.Sa kanyang pauwi,nagkunwari siyang nagakala naninakaw ang asin ng ibang tao upang di lumala ang galit ng kanyang ina sa kanya.Sumunod na araw,liligawan ni Juan si Maria ngunit bago ito pinabibili siya ng kanyang Ina n mga alimango.Dahil sa katamaran,pinauwi na lamang ni Juan ang mga alimango papunta sa kanilang bahay.nakalimutan niya na rin ang panliligaw kay Maria.Sa kanyang paguwi,di niya abot akalaing di nakarating ang mga alimango na kanyang inutusang pumunta sa kanilang bahay.Naisip niya na baka'y napabarkada at nagliwaliw ang mga ito.Sa kabila ng kanyang sobrang katamaran,ipinagluto nya parin ang kanyang Ina ng pagkain nito dahil sa pagmamahal niya sa kanyang Ina.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)